Photobucket
Photobucket
Kalurkey!
Ano ba tong pinasukan ko?
Di talaga ako magaling sa ganito.
Hmmmm, sige game!
Tawagin mo na lang akong, Dyan.
Dyan, as in hindi yan.
20 taong bata.

ang naligaw.

May gusto kapa malaman?
Ang alam ko lang,
Masayahin akong nilalang.
Pero, iyakin din naman ako.
Marami akong pangarap, pero tamad ako.
Tahimik pero may paninindigan.
Mahilig ako kumain.
At minsan na rin nabalewala.
K, tama na to.
Drama na masyado eeh.
Pademure

I’m having a hard time accepting the bitter truth.

Bitterness.

Magkaaminan na nga, oo bitter ako, Sobra. Nung nakita kong siya eh may ‘lovelife’ na ulet. Kwento ko lang ha, naglalaba kasi ako nun. So bale nakaONLINE ako sa YM nun using my phone. Nakita ko nga ang status niya, na meron na siyang ‘MHINE.’ Ang corny lang ng tawagan nila, ahahaha! *BITTER* Anyways ganito yun.

Nung una,

Oo, napaganyan ako. Nagulat kasi ako. 

Sumunod,

Bigla ko na lang narealize na napapaluha na nga ako. Naiyak ako dahil, napagisipan ko na ‘ganun na lang ba talaga ako kadaling palitan?’ Pero may sumagi din sa isip ko na, ‘ganun na lang din ba talaga siya kababa, para gumamit ng ibang tao para makamove-on?’ Ewan ko, hahaha. Inisip ko na lang yan para hindi masyadong akong nasasaktan.

Tapos eto naman si ADELE, biglang tumunog ng SOMEONE LIKE YOU. So, ako naman biglang ..

Aba, at ako ay napabirit din. Pero ang sinasabi ko eeh, “NEVER MIND I WON’T FIND SOMEONE LIKE YOU.” *Bitterness na naman* Ahahahaha,

Hanggang sa ..

Patunay lang siguro to na hindi pa ako totally nakakamove-on. Haller, ilang araw pa lang kaya ang nakakalipas, 9days palang. Inaamin ko naman na kahit hindi na kami naguusap naccare parin ako sa kanya, kasi nasasaktan ako eeh. Di ko man maamin to sa mga taong nakapaligid saken, pero sigurado ako.. Na madami sa kanila ay alam na hindi talaga ako okay, pilit ko lang sinasabi dahil ayako sila mag-alala. Dahil ilang beses na nila akong narinig,nakita at naramdaman na nasasaktan.

Alam ko naman na dadating ang time na magiging masaya ako ulit, at sa oras na yun, totoo na yun nararamdaman ko. Hindi na pagpapanggap.

Siguro isa sa mga dahilan kung bakit hindi naten magawang bitawan ang isang bagay ay dahil takot tayo na baka hindi na mangyari yun ulit.

Jan 30th at 8PM / tagged: tots. tagalog. thoughts. words. word. random. </3. / reblog / 6 notes

Minsan, iniisip ko na wag muna mag-isip.

Jan 30th at 7PM / tagged: ansaveh. tagalog. lol. lels. patawa. banat. ewan. random. / reblog / 23 notes