Photobucket
Photobucket
Kalurkey!
Ano ba tong pinasukan ko?
Di talaga ako magaling sa ganito.
Hmmmm, sige game!
Tawagin mo na lang akong, Dyan.
Dyan, as in hindi yan.
20 taong bata.

ang naligaw.

May gusto kapa malaman?
Ang alam ko lang,
Masayahin akong nilalang.
Pero, iyakin din naman ako.
Marami akong pangarap, pero tamad ako.
Tahimik pero may paninindigan.
Mahilig ako kumain.
At minsan na rin nabalewala.
K, tama na to.
Drama na masyado eeh.
Pademure

Kailan?

Madami bagay na ang dumating saken na sinayang at binalewala ko lang. Hanggang sa dumating na sa point na sinukuan at iniwanan na lang nila ako. Kailan ba ako matututo? Kailan ko ba maaappreciate yun mga bagay at tao na nasa buhay ko na? Ilan tao pa ba ang kailangan mawala saken bago ko matutunan yun?

Sobrang naiinis na ako sa sarili ko, hindi ko alam bakit habang tumatanda ako sa edad, ang utak ko naman bumabata. Nahihirapan na ako sa sarili ko. Partida, sarili ko na yun! Tapos hirap pa ako intindihin sarili ko.

Sino pa kailangan mawala saken para matuto ako? Ano pa kailangan mangyari saken para magtino na ako? ヽ(゚Д゚)ノ

Apr 26th at 7PM / tagged: personal. feelings. diary. / reblog / 2 notes
Daddy Dough <3

View in High Quality →

Daddy Dough <3

Mar 19th at 9PM / tagged: foods. food. yum. donut. donuts. slur. snack. snapshot. / reblog / 2 notes

“You can never forget what you’ve understood, but you can forget what you’ve memorized.”

Got this quote from my professor in TM102 (Introduction to Mass Communication Technology), Ulrich Werner. Well, our topic was about COLORS. I forgot how he came up with this quote. Soo yea, understanding is more important than memorizing when it comes to studies. But I find it applicable in life too.

Mar 6th at 12AM / tagged: quotes. quote. life. lesson. thoughts. tots. personal. kowts. / reblog / 2 notes
Orange Juice
Lumpia Ubod
Ginataan Bilo-bilo
&lt;3
  • Orange Juice
  • Lumpia Ubod
  • Ginataan Bilo-bilo

<3

I’m having a hard time accepting the bitter truth.

Bitterness.

Magkaaminan na nga, oo bitter ako, Sobra. Nung nakita kong siya eh may ‘lovelife’ na ulet. Kwento ko lang ha, naglalaba kasi ako nun. So bale nakaONLINE ako sa YM nun using my phone. Nakita ko nga ang status niya, na meron na siyang ‘MHINE.’ Ang corny lang ng tawagan nila, ahahaha! *BITTER* Anyways ganito yun.

Nung una,

Oo, napaganyan ako. Nagulat kasi ako. 

Sumunod,

Bigla ko na lang narealize na napapaluha na nga ako. Naiyak ako dahil, napagisipan ko na ‘ganun na lang ba talaga ako kadaling palitan?’ Pero may sumagi din sa isip ko na, ‘ganun na lang din ba talaga siya kababa, para gumamit ng ibang tao para makamove-on?’ Ewan ko, hahaha. Inisip ko na lang yan para hindi masyadong akong nasasaktan.

Tapos eto naman si ADELE, biglang tumunog ng SOMEONE LIKE YOU. So, ako naman biglang ..

Aba, at ako ay napabirit din. Pero ang sinasabi ko eeh, “NEVER MIND I WON’T FIND SOMEONE LIKE YOU.” *Bitterness na naman* Ahahahaha,

Hanggang sa ..

Patunay lang siguro to na hindi pa ako totally nakakamove-on. Haller, ilang araw pa lang kaya ang nakakalipas, 9days palang. Inaamin ko naman na kahit hindi na kami naguusap naccare parin ako sa kanya, kasi nasasaktan ako eeh. Di ko man maamin to sa mga taong nakapaligid saken, pero sigurado ako.. Na madami sa kanila ay alam na hindi talaga ako okay, pilit ko lang sinasabi dahil ayako sila mag-alala. Dahil ilang beses na nila akong narinig,nakita at naramdaman na nasasaktan.

Alam ko naman na dadating ang time na magiging masaya ako ulit, at sa oras na yun, totoo na yun nararamdaman ko. Hindi na pagpapanggap.

Siguro isa sa mga dahilan kung bakit hindi naten magawang bitawan ang isang bagay ay dahil takot tayo na baka hindi na mangyari yun ulit.

Jan 30th at 8PM / tagged: tots. tagalog. thoughts. words. word. random. &lt;/3. / reblog / 6 notes

Minsan, iniisip ko na wag muna mag-isip.

Jan 30th at 7PM / tagged: ansaveh. tagalog. lol. lels. patawa. banat. ewan. random. / reblog / 23 notes